ASF-infected meat products
Metro

Supermarket retailers sa Q.C., paparusahan sa pagbebenta ng ASF-infected meat products

MAHAHARAP sa anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong ang mga supermarket retailers sa Quezon City oras na mapatunayan ang mga ito na nagbibenta ng ASF-infected meat products.

Ito’y sa ilalim ng Food Safety Act at Sanitation Code.

Kaakibat nito ang bagong ibinabang Executive Order ng lungsod na nagbabawal na makapasok ang anumang African Swine Fever-tainted hog meats sa mga retailers, groceries at supermarkets.

May pakiusap lang ang lungsod sa mga stakeholder na sumunod sa patakaran ng EO na sa halip ay maparusahan, mas mainam ayon kay Mayor Joy Belmonte na makipagtulungan nalang ang mga ito na maiwasan ang entry ng ASF-infected hog meat at agad gawan ng kaukulang hakbang o solusyon.

Ilan sa mga nakasaad sa EO ang malayang inspection na gagawin ng binuong inspection team nito para sa mga pumapasok na hog meat products ng mga stakeholders mula sa kanilang mga suppliers.

Sakaling ma-detect ang pagpositibo ng mga produkto ay kailangan na agad makipag-ugnayan ang retailer sa city veterinary dept. para sa kaukulang inspection at monitoring, agad na i-lock ng freezer o storage hanggang sa mai-dispose ito.

Sakaling balewalain ng mga stakeholders ang disposal at disinfection protocols, maaaring ma-revoke ang lisensiya ng mga ito kasama na ng business permit at tuluyang pagpapasara ng tindahan o establisyemento.

Ginawa ng lungsod ang hakbang para tuluyang maalis ang pangamba ng mamamayan nito sa loob at labas ng lungsod mula sa target nito bilang isang ASF free city sa ilalim ng superbisyon ng Dept. of Agriculture.

Sa ngayon,  naisagawa na ng lungsod ang culling sa 5820 na baboy habang iminungkahi na ng city hall na ibenta nalang ang nasa 300 pang hogs na natitira sa lugar.

Ayon kay Belmonte, matapos ang isyu ng ASF,  itinuring nang iligal sa kaniyang lungsod ang pagkakaroon ng backyard piggery o hog farming para makaiwas sa nasabing sakit.

Naging maayos naman ang seremonya sa EO ngayong hapon kasama ang mga retailers at supermarket owners.

Samantala kaugnay sa natitira pang mga baboy sa lungsod, may hanggang Feb. 9 na lang ang mga ito para maibenta o mai-dispose sa lalong madaling panahon.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *