Super Tekla, hindi na kinasuhan ang saleslady na nagbintang sa kanya ng shoplifting

Super Tekla, hindi na kinasuhan ang saleslady na nagbintang sa kanya ng shoplifting

MATAPOS pagbintangan na nagnakaw, pinatawad na ng komedyanteng si Super Tekla ang saleslady ng isang convenience store na inakusahan siyang shoplifter.

Ito’y sa kabila ng pagkapahiya ng komedyante sa maraming customers ng convenience store kung saan harap-harapan siyang kinapkapan dahil palihim umano siyang kumuha ng ilang produkto ng tindahan.

Ayon pa sa kwento ni Tekla, kinapkapan daw siya ngunit wala namang nakuha sa kanya, maging ang biniling items ay tiningnan din ang resibo.

Matinding sorry naman ang ginawa ng saleslady nang magtanggal ng facemask si Tekla at nakilala siya nito.

Pinangaralan ni Tekla ang saleslady na maging aral nito ang insidente at dapat hindi manghuhusga base sa pisikal na itsura ng isang tao.

Sa kabila ng pamamahiya at insulto, hindi naman nagpadala si Super Tekla sa damdamin dahil nagawa pa rin niyang patawarin ang tindera.

Ayon pa sa komedyante, sa halip na galit, ay awa ang kanyang naramdaman dito dahil tiyak na matatanggal ito sa trabaho kung i-rereport niya sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito.

Para naman kay Tekla, naaaliw siya sa ‘sad reality’ na ito dahil mistula na rin aniyang nagkatotoo ang kanyang mga jokes at punchlines na nilalait ang sarili at napagkakamalang magnanakaw o holdaper.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *