Gov. Imee Marcos
National

Sumunod na lang sa mga security protocols – Gov. Imee Marcos

NASA airport security screening area rin sa NAIA Terminal 2 noong Sabado si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Kaugnay ito sa nangyaring insidente ng komprontasyon ng isang security personnel at ni ACTS OFW Partylist Rep John Bertiz.

Ang naturang insidente ang naging laman ng isang viral na video.

Sa naturang video makikitang dumaan sa proseso si Gov. Marcos.

Habang si Cong. Bertiz naman ay nasita ng security personnel matapos na tumangging magpakapkap at magtanggal ng sapatos.

Ipinakita pa nito ang kanyang NAIA access pass at kinuha ang ID ng airport screener na sumita sa kanya.

Iginiit ni Gov. Marcos na maiging sumunod nalang sa kung anumang mga security protocols o panuntunan na ipinapatupad sa paliparan.

Inaasahan na kasi sa mga govt officials na mag-aasal ito ng tama sa lahat ng panahon.

Pagbibigay diin pa ng gobernadora, ginagawa lang naman ng mga security personnel ang kanilang mga trabaho.

Ang mga myembro anya ng kongreso at iba pang mga elected officials ay hindi exempted sa mga batas o regulasyon.

Lalo na sa mga ipinapatupad na patakaran para sa seguridad at kaligtasan ng publiko.

Dagdag pa nito, sa panahon ngayon, anumang hindi tamang asal ay maaari ng ma-record at ma-post sa ibat ibang social media platform

Kaya’t marapat aniya lang na magkaroon ng tamang asal.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *