Trump
International

Sulat na kontaminado ng lason pinadala sa Pentagon at kay Trump

ISANG kahina-hinalang envelope na nakapangalan para kay U.S Pres. Donald Trump ang hinarangan ng secret service kamakailan.

Ayon sa mga awtoridad hindi na pinaabot pa ang sulat sa loob ng White House.

Samantala, dalawa pang kahina-hinalang sulat ang natanggap sa Pentagon Mail Screening Facility.

Ang mga sulat ay para kay Secretary of Defense James Mattis at Chief of Naval Operations, Admiral John Richardson.

Ang Pentagon ay ang headquarters ng U.S Department of Defense na nakabase sa Arlington, Virginia.

Nakatira rito ang high-ranking military officials ng nasabing bansa.

Ayon sa isang U.S Defence Official, positibo sa nakalalasong sangkap na ricin ang mga nasabing sulat.

Ang ricin ay isang highly toxic compound galing sa castor beans.

Pwede itong ikalat sa hangin o di kaya ay ihalo sa pagkain at tubig.

Karaniwan itong ginagamit para lasunin ang isang tao.

Ang sinumang magkaroon ng contact sa sangkap na ito ay makakaranas ng pagkahilo, pagsusuka, internal bleeding sa bituka.

Makakaranas din ng pagcollapse ng atay, kidney at ng circulatory system hanggang sa mamatay ang biktima.

Hinihinalang konektado ang mga pinadalang sulat para sa White House at para sa Pentagon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng FBI ang mga nasabing sulat habang walang naiulat na nalason o nasawi sa pangyayari.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *