Suicide bomber
National

Suicide bomber na umatake sa Indanan, Sulu, isang babae

KUMPIRMADONG babae ang suicide bomber na umatake sa isang military checkpoint sa Indanan, Sulu noong Septyembre 8.

Ayon kay Police Colonel Elimer Catabay, Deputy Director for Operations ng PNP Crime Laboratory Group, 13 mula 20 specimens na narekober sa crime scene ay kapareho sa isang DNA profile ng babae habang ang pitong iba pa ay may partial DNA profile.

Ani Catabay, ang 20 tissue samples ay isinumite sa kanilang DNA laboratory sa Davao para sa pagsusuri.

Gayunman, hindi pa madetermina ng PNP Crime Laboratory Group Kung Pinay o dayuhan ang suspek.

Wala rin aniya lumapit para kumpirmahin ang identity ng suspek.

Sinabi ni Catabay na nag-negatibo rin o walang nag-match ang DNA sample sa kanilang DNA database.

Hinihingi naman aniya sila ng tulong sa Interpol para ihalintulad ang DNA mula sa bigger database para madetermina kung dayuhan ang babaeng suicide bomber.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *