Suhulan sa New Bilibid Prison
National

Suhulan sa New Bilibid Prison, malaking hamon sa bagong BuCor Chief

MALAKING hamon para sa bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) ang umano’y patuloy na suhulan sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang inamin ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra.

Sinabi ni Guevarra na dapat ay ma-overcome ito ni BuCor Director General Gerald Bantag.

Una nang sinabi ni bantag na patuloy pa rin ang panunuhol ng mga drug lords sa mga guwardya ng NBP.

Kaugnay nito nagbabala ang BuCor chief na mahaharap sa kasong administratibo ang jail guard na tumatanggap ng suhol.

Ayon kay Bantag, ang target ngayon ng mga drug convicts sa Bilibid ay kanyang mga tauhan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *