Substitution bid
National

Substitution bid ng dating NYC chairman, hindi pa nadedesisyunan

WALA pang desisyon ang Comelec sa substitution bid ni dating National Youth chairperson Ronald Cardema bilang nominee ng Duterte youth party-list kapalit ng kanyang asawa na si Ducielle Marie Suarez.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi pa nadedesisyunan ang petisyon ni Cardema dahil sa mahigit sampung nakabinbin na oposisyon dito.

Sinabi ni Jimenez na may mahigit isang buwan pa ang Comelec para desisyunan ang petisyon ni Cardema dahil uupo naman aniya sa pwesto ang nominee sa June 30.

Ani Jimenez, hindi ang withdrawal ang isyu sa nasabing partido kung hindi ang substitusyon.

Sa ngayon aniya ay walang timeline kung kailan mareresolba ng Comelec ang substitution petition ng dating NYC chairperson dahil magkakaroon pa aniya ng mga pagdinig.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *