Pasig Central Elementary School
Health National

Street food vendors sa labas ng Pasig Central Elementary School, problema ng pamunuan

NANATILING problema ng pamunuan ng Pasig Central Elementary School ang mga street vendor sa labas ng kanilang paaralan.

Ayon kay Ginang Emelita Medina, principal ng eskwelahan, hindi nila kontrolado ang mga nagtitinda sa labas ng school vicinity na kadalasang nagbebenta ng junkfoods at softdrinks.

Bagama’t may ordinansa nang ipinapatupad ang lokal na pamahalaan na pagbabawal sa mga streetfood vendors o mga karinderya sa pagbebenta ng mga hindi masustansyang pagkain at inumin sa mismong paglabas ng paaralan ay tila umpisa lang nila ito nai-implementa.

Umaasa naman ang principal ng eskwelahan na aaksyunan ng mga barangay official ang naturang usapin lalo pa’t kalusugan ng mga kabataan ang pinag-uusapan dito.

Samantala, sa ating pag-iikot kanina partikular sa kanilang canteen, makikitang malinis at pawang mga masustansyang pagkain lamang ang kanilang ibenebenta  alinsunod na rin  sa nakasaad  sa DepEd order.

Samantala, hindi bababa sa 3, 800 ang mga mag-aaral ang nag-enroll dito sa Pasig Elementary School.

Sinabi pa ni Principal Medina na sapat lamang ang bilang ng mga silid-aralan na ino-okupahan ng mga estudyante kung saan nasa 1:45 ang kanilang teacher to students ratio.

Mayroon namang 5 building at 105 mga silid-aralan ang kanilang eskwelahan kasama na rito ang 5 kindergarten classrooms.

Nasa 116 naman ang kabuuang bilang ng mga guro kabilang ang nagtuturo sa Alternative Learning System o ALS.

Sa kabuuan, sinabi ni Principal Medina na very smooth ang naging takbo ng unang araw ng pagbubukas ng klase sa Pasig Central Elem. School kung saan natugunan aniya ang usapin sa kakulangan dati ng mga textbook at mga guro.

CRESILYN CATARONG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *