Stepdad ng aktres na si Aiko Melendez, nasawi sa COVID-19

Stepdad ng aktres na si Aiko Melendez, nasawi sa COVID-19

MATINDING pighati ang nararanasan ngayon ng aktres na si Aiko Melendez dahil sa pagkasawi ng kanyang stepdad na si Dan Castañeda sa Amerika noong Pebrero 21.

Ipinahayag ng aktres ang kanyang pagdadalamhati sa pamamagitan ng kanyang Instagram posts.

Say ng aktres, “Dad, you will always be my one and only Daddy!” na may kasamang praying hands emoji.

“Thank you for always being here for me and my kids…You will be missed…Till we meet again,” dagdag pa ng aktres.

Mas lalong tumindi ang sakit na nadarama ni Aiko nang malaman niyang ang “so-called friends'” ng kanyang daddy ay hindi naging honest sa kanilang health conditions.

Kung naging honest lamang daw sila ay sana buhay pa ang kanyang kinikilalang daddy.

May isang bagay na natutunan ang Japanese-Filipino actress sa pagkamatay ng kanyang stepdad.

Aniya, dapat ay seryosohin ng mga tao ang nakamamatay na COVID-19 virus.

Si Aiko ay anak ni Elsie Blardony sa yumaong aktor na si Jimi Melendez.

Bata pa lamang si Aiko ay naghiwalay na ang dalawa.

Edad anim na taon nang magpakasal ang ina ni Aiko kay Dan Castañeda kaya naman ay halos buong buhay ay nakagisnan na ng aktres bilang ama ang kanyang stepdad.

Pinaalalahanan naman ng aktres ang publiko na ang COVID-19 ay nanatiling banta sa buhay ng tao at nangakong idadalangin ang mga taong kasalukuyang nakikipaglaban sa nasabing sakit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *