Step 2 registration ng National ID sa Camarines Norte, umarangkada na

Step 2 registration ng National ID sa Camarines Norte, umarangkada na

UMAARANGKADA na ang step 2 registration ng National ID sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan nagtalaga ng dalawang registration centers para sa mabilisang pagproseso ng mga nais magparehistro.

Pahayag ni Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist na si Maria Dulce Padayao, mayroong dalawang registration centers ang lalawigan na matatagpuan sa Municipal Hall at PSA Provincial Statistical Office ng Daet habang ang 1 naman ay nasa bayan ng Labo sa Barangay ng Gumamela at Bagong Silang 1 para sa mga South Road Barangays.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang lahat ng mga kwalipikadong magparehistro sa step 2 ay ang mga naka enroll na sa isinagawang step 1 registration na inumpisahan noon pang January 18 hanggang April 30, 2021.

Ang mga appointment slips kung saan nakalagay ang mga Appointment Reference Numbers o ARN at QR code ang siyang gagamitin para sa validation of appointment.

Kailangang ito ay dalhin kasama ng mga required supporting documents na ini-scan nong step 1 registration at hindi maaring walang appointment slips o ang mga walk-in applicants.

Ang hindi naman na-prioritized sa step 1 pre-registration ay kailangan munang mag register on-line sa register.philsys.gov.ph at hintayin ang text notification para sa appointment schedule.

Paalala sa publiko na kailangan munang mag-accomplish ng health survey form bago papapasukin sa registration center at ang no facemasks/no face shield policy, temperature scanning at social distancing ay mahigpit pa ring ipatutupad ng nasabing ahensya.

(BASAHIN: Illegal mining operations sa Camarines Norte, inirekomendang ipasasara)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *