Status ng National Greening Program, pinapaimbestigahan sa Kamara

Status ng National Greening Program, pinapaimbestigahan sa Kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang kalagayan ng government forest restoration program o ang National Greening Program.

Ito ay para maprotektahan ang watersheds sa bansa matapos ang sunod-sunod na pagtama ng kalamidad sa bansa na nagresulta naman sa matitinding pagbaha.

Sakop ng House Resolution 1361 ni Vargas, pinasisiyasat nito sa House Special Committee on Reforestation ang status ng reforestation programs ng pamahalaan.

Lalong lalo na sa pagbibigay proteksyon sa forest areas at watersheds laban sa illegal logging at quarrying.

“The extensive damage caused by Typhoon Ulysses, as well as the previous typhoons, should be seen as a wake up call for us to work for a viable and successful reforestation program and to protect our forest areas and watersheds from such extractive activities as illegal logging and quarrying,” pahayag ni Vargas.

Nais din nitong malaman kung ano ang plano ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at iba pang concerned government agencies para matugunan ang illegal logging sa mga protected areas gaya ng Sierra Madre mountain range.

Pinalilinaw din nito kung bakit legal ang quarrying activities sa Markina Water shed.

Diin ni Vargas, dapat matugunan ang mga isyung ito para maiwasan ang matitinding pagbaha sa bansa kung may mga bagyo.

“These are serious concerns that need to be addressed decisively if we are to prevent a repeat of the disaster that has affected millions of our kababayans,” ani Vargas.

Batay naman sa 2011 National Greening Program, nasa 1.5 Billion na punong kahoy ang target na maitanim sa 1.5 na ektarya ng lupa mula 2011 to 2016.

Sinabi ng DENR, na nasa 1.7 Billion na punong kahoy ang naitanim sa limang taon ng pagpapatupad ng National Greening Program.

Subalit sa kabila niyan ang Pilipinas pa rin ang may pinakamababa na forest cover sa buong Asya na nasa 23% lamang.

Kaya ani Vargas, dapat tukuyin ng DENR kung ano na ang update sa National Greening Program ng gobyerno.

Tinatayang aabot naman sa 7.1 milyon na ektarya ng lupa na sa buong bansa ang masisira dahil sa illegal logging mula 2016- 2028 kung hindi ito maaagapan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *