Regional

State of calamity sa Cebu, inirekomenda

INIREKOMENDA na ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa sangguniang panlalawigan na magdeklara ng state of calamity.

Ito ay para sa buong kapuluan ng nasabing lalawigan dahil sa epekto ng dry spell.

Iginiit ni PDRRMO Chief Baltazar Tribunalo na kailangan ng irekomenda ang pagdedeklara sa state calamity.

Bilang pre-emptive measure sa mas malalang epekto na posibleng idulot ng El Niño.

Dahil sa nararanasang tagtuyot, nakapagtala na ang PDRRMO ng fish kill sa ilang bayan ng Cebu.

Sa oras na maisailalim sa state of calamity ang probinsya ay maaari ng mag-release ng pondo ang lokal na pamahalaan.

Para gamitin bilang tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Sinabi pa ni Trinunalo na ang kanyang pag-endorso ay napapanahon.

Kasabay na rin ito ng pagdedeklara ng Pagasa ng pagsisimula ng panahon ng tag-init.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *