Ormoc City
Regional

State of calamity, idineklara sa Ormoc City dahil sa kaso ng dengue

ISINAILALIM na sa state of calamity ang Ormoc City dahil sa dumaraming bilang ng kaso ng dengue sa lalawigan.

Batay sa datos ng Local Disaster Office, pumalo na sa 426 ang kaso ng dengue sa probinsya mula Enero hanggang ngayong buwan ng Agosto.

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Richard Gomez na naglunsad na sila ng massive cleanup drive sa Ormoc para matugunan ang problema sa dengue.

Sinabi naman ni Dr. Eusebio Penserga, chairman ng Committee on Health ng nasabing lungsod na ito ang unang pagkakataon na nakapagtala sa probinsya ng mataas na bilang ng kaso ng dengue.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *