Candijay sa Bohol
Regional

State of calamity, idineklara sa Candijay sa Bohol dahil sa matinding epekto ng El Nino

ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Candijay sa Bohol bunsod ng matinding pinsalang dulot ng El Nino.

Enero pa nang makaranas ng tagtuyot ang naturang bayan kung kaya’t marami sa mga sakahan dito ang tuyo at nakaapekto sa mga pananim at alagang hayop.

Tinatayang mahigit 2,000 magsasaka ang apektado ng El Nino sa naturang bayan.

Layon ng deklarasyon ng state of calamity na magamit ang emergency fund ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga apektadong magsasaka.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *