Sputnik V vaccine, prayoridad sa mga medical frontliner sa lungsod ng Maynila

Sputnik V vaccine, prayoridad sa mga medical frontliner sa lungsod ng Maynila

KINUMPIRMA ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na para lamang sa mga medical frontliner na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19  ang  Sputnik V vaccine kapag dumating na ito sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Mayor Isko, uunahin  ang mga medical frontliner na nasa anim na hospital na pag-aari ng lungsod at taga-Manila Health Department sa makikinabang ng Sputnik V vaccine.

Dagdag pa ni Yorme kung sakaling may matitira pa sa naturang bakuna ay ibaba naman ito sa mga public hospitals na pag-aari naman ng national government at kung sakaling may matira pa din ay ibaba naman ito sa mga medical frontliner na nasa private hospitals.

Ipinagmamalaki naman ni Mayor Isko na bago pa man dumating ang mga bakuna ay una nang nakagawa ng cold storage facility ang Manila LGU sa Sta. Ana Hospital na naglalaman ng labing dalawang refrigeration equipment.

Ang pamahalaang lungsod ay may kakayahan din na humawak ng Sputnik V vaccine.

Matatandaang nito lamang Sabado o Mayo 1, dumating ang 15,000 dosis ng  Sputnik V vaccine na lulan ng Qatar Airways Flight QR932 na lumapag pasado 3:00 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA)3.

Para naman sa update ng mga nabakunahan sa lungsod ng Maynila, umabot na sa 79,537 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19.

Bukod dito, 25,300 na katao na rin ang nakatanggap na ng kanilang second dose o fully vaccinated na ng pamahalaang lungsod.

(BASAHIN: Wala pang nabalitaang adverse events sa Sputnik V ng Russia —FDA)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *