SPM at Keeper’s Club Int’l Pangasinan Chapter matagumpay na nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa Lingayen gulf

SPM at Keeper’s Club Int’l Pangasinan Chapter matagumpay na nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa Lingayen gulf

HINDI nagpatinag sa ulan ang mga volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) at Keeper’s Club International Pangasinan chapter sa pagsasagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa Lingayen gulf ngayong araw.

Matagumpay na isinagawa ng mga volunteers ang Coastal Clean-Up Drive sa Lingayen gulf ng SPM at Keepers Club International Pangasinan chapter sa kabila ng masungit na panahon.

Bukod sa mga nabanggit na grupo nakiisa din sa naturang aktibidad ang Environment and Natural Resource Office (ENRO) Pangasinan.

Nakakolekta ang mga volunteer ng saku-sakong basura kagaya ng mga plastics at face masks mula sa coastal area.

Ayon kay Nathaniel L. Pulido OIC-ENRO Pangasinan, malaking kontribusyon sa kalikasan ang paglilinis sa kapaligiran.

Kasabay rito ay nagpapasalamat din si Pulido sa SMNI at sa SPM maging sa Keepers Club International sa pagsisikap ng mga ito na tumulong sa pamamagitan ng paglilinis.

Pinangako ng SPM at Keepers Club International Pangasinan Chapter na magpapatuloy ang kanilang adbokasiya at adhikaing tumulong sa pangangalaga sa ating inang kalikasan.

Inaasahan ang susunod na aktibidad ng mga nasabing organisasyon ay ang pagtatanim ng mga punong kahoy sa kabundukang bahagi ng probinsya ng Pangasinan.

Samantala, ikinatuwa naman ni Pulido  ang suporta ng SPM sa pamamagitan ng adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Nagpapasalamat ang ENRO-Pangasinan sa malaking tulong na nagawa ng SPM at Keepers Club International Pangasinan Chapter.

SMNI NEWS