imbestigasyon ng Senado
National

SP Tito Sotto, ipinagtanggol ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa ninja cops

IPINAGTANGGOL ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang ginagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa kontrobersyal na pagrerecycle ng droga ng ilang myembro ng kapulisan o ang tinatawag na ninja cops.

Sinabi ni Sotto na di dapat punahin ng ilang opisyal sa ehekutibo ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon at Justice Committee na naunang nag-iimbestiga sa Good Conduct Time Allowance Act at ninja cops.

Ipinunto ni Sotto na ang issue sa ninja cops ay nagsimula bago pa man pumasok ang Duterte administration o bago pa man itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si General Oscar Albayalde bilang hepe ng Philippine National Police.

Hindi rin aniya mapigilan ang pagtalakay dito dahil sa bigla na lang din aniya lumitaw ang issue sa ninja cops habang iniimbestigahan ng Senado ang kontrobersya sa GCTA mess ng New Bilibid Prison.

Dahil dito ay pinayuhan na lamang ng batikang senador ang aniyay mga hindi pamilyar sa mga patakaran sa Senado na manahimik na lamang.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *