National

SP Sotto, tiwala na walang nilabag na batas ang Anti-Terrorism Law

HINDI nangangamba si Senate President Vicente Tito Sotto sa pagpunta ng iba’t-ibang grupo sa Korte Suprema para hingin ang Temporary Restraining Order sa implementasyon ng Anti-Terrorism Law sa July 19.

 

Isang araw bago maging batas ang Anti-Terrorism Law ay may mga grupo ng mga abogado ang pumunta sa Korte Suprema para ikontesta ang pagsasabatas nito.

 

Anila, maraming bahagi sa batas na labag sa konstitusyon kasama na ang karapatan o kalayaan sa pamamahayag at ang karapatan ng tao sa privacy.

 

Ayon kay Sotto , isa sa mga  principal author ng Anti-Terrorism Law sa Senado,  ang  mismong batas ang kanilang pinakamahusay na  depensa sa harap ng Korte Suprema.

 

Tiwala si Sotto na walang nilabag sa Constitution ng bansa ang Anti-Terrorism Law para magkaroon ng basehan ang petition.

 

Giit din ni Sotto na nalulunod sa safeguards ang nasabing batas para lamang hindi ito maabuso sa bansa na sa katunayan ay ito pa ang pinakonserbatibong Anti-Terrorism Law sa buong mundo.

 

Ang kailangan lang aniyang gawin ng mga kritiko ay basahin ang batas at huwag mangibabaw ang kanilang mga sariling interpretasyon.

 

Naniniwala naman si Sotto na sarado na ang mga utak ng mga kritiko at walang magandang paliwanag mula sa kanila ang pakikinggan ng mga ito patungkol sa batas.

 

Samantala, binuweltahan naman ni Sotto ang mga banyaga na kumukwestyon sa mahigpit na kautusan sa ilalim ng Anti-Terrorism Act.

 

Aniya ang dapat  nilang punahin ay ang mismong Anti-Terrorism Law ng kanilang mga bansa na mas mahigpit pa aniya kesa sa bersyon ng bagong Anti- Terror Law ng Pilipinas.

 

Aniya sa napakahabang panahon ay nasa top 10 ang bansa sa mga may pinakamahinang batas para sa mga terorista.

 

Matatandaang nag-ugat naman ang pagsasagawa ng panukala para sa pagpapaigting ng laban ng bansa sa terorismo  ng maganap ang isang seige sa Marawi City na pinaniniwalang gawa ng mga Isis militants.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close