SP Sotto, nag-isyu ng arrest warrant vs Michael Yang at 5 pang opisyal ng Pharmally

SP Sotto, nag-isyu ng arrest warrant vs Michael Yang at 5 pang opisyal ng Pharmally

NILAGDAAN na ni Senate President Vicente Sotto III ang arrest warrant para sa dating adviser ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Michael Yang at lima pang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Bukod kay Yang, ang mga sumusunod na ehekutibo ng Pharmally ay hinainan din ng arrest warrant, ito ay sina Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Linconn Ong, Krizle Grace Mago, at Justine Garado.

Hinainan ng Senate Blue Ribbon Committee ng arrest warrant ang mga nabanggit na ehekutibo dahil sa hindi nila pagpapakita sa hearing kaugnay sa umano’y pagbili ng pamahalaan sa mga overpriced COVID-19 equiment.

Naghain na ang senado ng dalawang subpoena laban kay Yang upang magpakita ito sa pagdinig sa umano’y pagkakasangkot nito sa Pharmally Pharmaceutical Corp., ang kompanyang nakakuha ng bilyon-bilyong halaga ng kontrata mula sa pamahalaan dahil sa pagbili ng mga PPEs.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ng Bureau of Immigration na nasa bansa pa si Yang.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *