South korea, nanawagan sa China na ipagbawal ang iligal na mga mangingisda

South korea, nanawagan sa China na ipagbawal ang iligal na mga mangingisda

NANAWAGAN ang South Korea sa China na paigtingin pa ang kanilang mga hakbang upang mapigilan ang pag pasok ng iligal na mga mangingisda sa bansa.

Sa kanilang regular na pagpupulong nanawagan ang South Korea sa China na gumawa ng mabisang hakbang upang mapigilan ang mga iligal na pangingisda dahil sa usapin na direktang nauukol sa kabuhayan ng mga mangingisda sa bansa.

Iminungkahi ng South Korea sa China na paigtingin ang patrolya sa mga fishing boat nito sa mga pangunahing daungan at harangan ang kanilang pagpasok malapit sa Northern Limit Line (NLL) ang De Facto inter-Korean maritime border sa yellow sea at higpitan ang parusa para sa mga lalabag nito.

Kabilang din sa napag-usapan ng dalawang panig ang isyu ng maritime waste at mga paraan upang maprotektahan ang maritime environment at ecosystem.

Matatandaan na unang inilunsad ang pagpupulong sa pagitan ng Seoul at Beijing noong 2012 bilang isang working-level channel upang palakasin ang kooperasyon sa mga lugar na may illegal fishing, maritime accidents at proteksyon ng maritime environment.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *