South Korea, nag-donate ng 1,400 MT na bigas sa mga apektadong lugar sa Pilipinas dahil sa bagyo

South Korea, nag-donate ng 1,400 MT na bigas sa mga apektadong lugar sa Pilipinas dahil sa bagyo

NAGBIGAY ng 1,400 metric tons (MT) ng bigas ang Republic of South Korea sa Pilipinas bilang tulong sa mga libu-libong mga pamilya na apektado ng mga kalamidad nakaraang taong 2020.

Unang dumating sa bansa ang 400 MT na bigas sa General Santos City nakaraang Setyembre 2020 para sa mga apektadong komunidad sa Mindanao at 1,000 MT naman sa Batangas nakaraang Oktubre 2020 para sa mga biktima ng bagyo sa Luzon.

Ito ay sa pamamagitan na rin ng tulong ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve Tier 3 (APTERR Tier 3) Program kung saan ang Republic of South Korea ay isa sa member-states nito.

Ang nasabing rice donation sa pamamagitan ng APTERR ay pangalawang batch na binigay ng South Korean government sa bansa.

Unang dumating nakaraang Abril 2020 ang 950 MT na bigas kungsaan 600 MT dito ay para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao at ang 350 MT naman ay para sa mga biktima ng Bagyong Quiel sa Cagayan Valley.

Ang APTERR Tier 3 ay isang regional cooperation mechanism na kinabilangan ng ASEAN member-countries kasama ang Republic of Korea, Japan, at ang People’s Republic of China.

Layunin nitong pagtibayin ang seguridad sa pagkain at pagbigay ng emergency rice assistance sa mga biktima ng mga kalamidad sa mga bansa ng ASEAN.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *