South korea, magsasagawa ng pagsusuri sa kaligtasan ng Moderna vaccine

South korea, magsasagawa ng pagsusuri sa kaligtasan ng Moderna vaccine

MAGSASAGAWA ang South Korea ng pagsusuri sa kaligtasan ng Moderna vaccine.

Inihayag ng Top Health Agency ng South Korea na susuriin nito ang rekomendasyon ng edad sa paggamit ng Moderna vaccine, kasunod ng kamakailang desisyon ng Japan at ilang mga bansa sa Europa, na hindi na hinihikayat ang paggamit nito sa mga kabataan.

Ayon kay Hong Jeong-Ik, na siyang pinuno ng pamamahala sa pagbabakuna ng KDCA, ang national advisory committee at ang isang panel ng mga dalubhasa ay magsasagawa ng pagsusuri sa kaligtasan ng vaccine batay sa mga update sa patuloy na pag-asses sa side effects nito, pati na rin sa mga pagbabago sa rekomendasyon sa ibang mga bansa.

Sa kasalukuyan, inirerekomenda ng South Korea na gamitin ang vaccine sa mga taong nasa labing-walong taong gulang pataas.

Samantala, sa closed-door briefing noong nakaraang linggo, sinabi ni Hong na ang South Korea ay hindi susundin ang ibang mga bansa sa paglilimita sa paggamit ng Moderna vaccine sa mga mas bata rito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *