South Korea, magbabalik normal sa katapusan ng Oktubre

South Korea, magbabalik normal sa katapusan ng Oktubre

INAASAHAN ng South Korea na magbabalik na ito sa normal na buhay sa katapusan ng Oktubre.

Ayon kay Prime Minister Kim Boo-Kyum sa kabila ng pag-akyat ng bilang ng mga bagong impeksyon ng Coronavirus, ang bansa ay naghahangad parin na mapabilis ang pagbabalik sa normal mula ng umusad ang pagbabakuna.

Dagdag pa ni Kim sa katapusan ng Oktubre ay inaasahang 70 percent ng buong populasyon ay magiging fully vaccinated na gayunpaman mananatili pa rin ang mga paalala katulad ng pagsusuot ng face masks.

“About 80 percent of adults aged 18 and above are expected to become fully vaccinated before October ends, by which time normal life can resume in stages. The adult vaccination rate of 80 percent would “give the virus less space to roam,”ayon kay Prime Minister Kim Boo-Kyum.

Samantala, umabot sa kabuuang 2,771 ang mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kabilang ang 2,735 local infections na nagdala sa total caseload na 301,172.

“Korea is now at a phase where it’s looking to lift, rather than tighten, public health interventions, according to government announcements which means that control of the spread will be more heavily reliant on vaccinations,”dagdag nito.

“As more people across demographics become fully immunized against COVID-19, we could expect a similar decline in hospitalizations,”ayon kay Kim.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *