South Korea, kayang tapatan ang hypersonic missile ng Pyongyang – Defense ministry

South Korea, kayang tapatan ang hypersonic missile ng Pyongyang – Defense ministry

BINIGYANG diin ng Defense Ministry ng South Korea na kaya nitong tapatan ang hypersonic missile ng Pyongyang.

Inihayag ng Defense ministry ng Seoul na kayang-kaya ng militar ng South Korea na ma-detect at ma-intercept ang sinasabing hypersonic missile ng North Korea.

Binigyang-diin ni Boo Seung-Chan, ang tagapagsalita ng ministeryo, na ang pagiging handa ng militar sa gitna ng mga alalahanin na ang pinakabagong missile ng Pyongyang ay kayang talunin ang pinagsamang missile defense system ng South Korea at Estados Unidos.

Matatandaan na inihayag ng Norte na matagumpay itong nakapaglunsad ng hypersonic missile noong nakaraang linggo.

Ayon pa kay Boo, ang missile na pinakawalan ng Pyongyang ngayong linggo na umano’y sampung beses pang mas mabilis sa sound speed ay isang standard ballistic missile lamang.

Sa ngayon ay humahanap pa ng karagdagang impormasyon ang intelligence agency ng South Korea at Estados Unidos ukol sa nasabing missle.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *