South Korea, humingi ng tulong sa Egypt ukol sa hidwaan sa North Korea

South Korea, humingi ng tulong sa Egypt ukol sa hidwaan sa North Korea

HUMINGI ng tulong sa Egypt ang South Korea upang makipag-ugnayan sa North Korea hinggil sa awayan sa Korean peninsula.

Ayon kay National Assembly Speaker Park Byeong-Seug humiling ito ng tulong sa Egypt upang makipag-ugnayan sa North Korea para mawakasan na ang Korean war.

Ginawa ni Park ang panawagan sa kanilang pagpupulong kasama ang Pangulo ng senado ng Egypt na si Abdel-Wahab Abdel-Razeq at House Speaker Representative na si Hanafy Ali El Gebali.

Kasalukuyang nasa isang opisyal na pagbisita sa Egypt si Park, ang unang National Assembly Speaker na bumisita sa Egypt mula pa kay Lee Man-Seop noong taong 2002.

Sa kanilang pagpupulong sinabi ni Park na maraming tao ang sumusuri sa pamumuno ni Pangulong (Abdel Fattah El-) Sissi at ang kakayahan nito dahil matatandaan na ang Egypt ang namagitan sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Hiniling nito sa Egypt na tulungan ito na makipag-usap ng bukas para sa kapayapaan sa Korean peninsula dahil ang bansa ay tradisyonal na kaalyado ng North Korea.

Samantala ayon kay Gebali, sinusuportahan ni Pangulong Sissi ang lahat ng mga mekanismo para sa pagpapanatili ng katatagan at kapayapaan sa Korean peninsula.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *