South Korea Central Bank, itinaas ang interest rate kasunod ng pagtaas ng inflation

South Korea Central Bank, itinaas ang interest rate kasunod ng pagtaas ng inflation

ITINAAS nang South Korea Central Bank ang interest rate nito kasunod ng pagtaas ng inflation.

Nag desisyon na itaas ang benchmark rate nito sa 0.25 percent na ikalawang pagtaas ng interest sa bangko sa loob ng tatlong buwan.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng inflation at mga bayarin sa mga bahay.

Ang mga miyembro ng Bank of Korea Monetary Policy Board ang bumoto na itaas ang interest rate na ito.

Noong Mayo 2020, binawasan ng Central Bank ang rate nito ng 0.5 percent upang tulungan ang economic fallout dahil sa pandemya.

Samantala, ang consumer price index naman ng South Korea at tumaas ng 3.2 percent noong Oktubre kumpara noong nakaraang taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *