North Korea
International

South Korea at Amerika, magtutulungan para sa  North Korea-US Summit

Nagkaroon ng diskusyon sina South Korean President Moon Jae-In at US President Donald Trump kaugnay sa nagbabantang pagtalikod ng North Korea sa high-level talks.

Nakatakdang magtagpo sina Moon at Trump ngayong Martes (local time ng Washington) upang pagtulungan na maisakatuparan ang nakatakdang pagtatagpo ng mga lider ng North Korea at Amerika sa June 12 sa Singapore.

Matatandaan na matapos ng ilang linggong umiinit na relasyon sa pagitan ng North Korea at Amerika ay biglang nagbanta ang Pyongyang na babawiin nito ang nakatakdang summit sa Hunyo dahil umano sa inatas ng Amerika para sa “unilateral nuclear abandonment.”

Kasabay sa naturang banta ay kinansela ng North Korea sa huling minuto ang nakatakda na sanang high-level meeting ng South Korea dahilan sa isinagawang joint military drills sa pagitan ng Seoul at Washington.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *