Showbiz

Sofia Andres, ibinahagi sa publiko ang dahilan kung bakit itinago niya ang kanyang pagbubuntis

SINAGOT na ng aktres na si Sofia Andres ang tanong sa kanya ng mga fans kung bakit itinago niya sa publiko ang kanyang pagdadalang tao.

Ayon kay Sofia, sinunod niya lamang ang payo sa kanya ng kapatid niya.

Sinabi rin ni Sofia na baka pag maaga niyang isinapubliko ay marami siyang maririnig na komento mula sa ibang tao tulad ng bakit maaga siyang nagbuntis at iba pa.

Makakasama rin aniya kasi ito sa bata dahil maaaring ma-stress lamang siya sa sinabi ng ibang tao.

Matatandaan na ipinaalam ni Sofia noong July 21 ang pagkakaroon niya ng anak sa kanyang Instagram account.

Walong buwan na ang anak niya bago niya ito ipinaalam sa lahat.

Gayunpaman, nagpasalamat ang aktres sa patuloy parin ang suporta sa kanya maging ang naging katuwang nito noong nagbubuntis pa lamang siya.

 

 

SMNI NEWS

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close