SMNI, pinasalamatan ng PNP Region 11 bilang katuwang ng anti-insurgency ng pamahalaan

SMNI, pinasalamatan ng PNP Region 11 bilang katuwang ng anti-insurgency ng pamahalaan

PINASALAMATAN ng PNP Region 11 ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa pangunguna ng Chairman na si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa pagiging katuwang nito sa anti-insurgency campaign ng Duterte administration.

Sa ilalim ng revitalized-pulis sa barangay program ng Philippine National Police (PNP) pinagtulung-tulungan ng mga kawani nito ang paggawa ng 68 na bahay para sa mga katutubong Ata-Manobo ng Davao del Norte.

Pulis-carpenters kung tawagin ang mga miyembro ng PNP Region 11 na naging tulay para sa mabilis na pagtatayo ng nga tirahan ng mga katutubong Ata-Manobo.

Ayon sa PNP, ginawa nila ang programa sa ilalim ng barangay development program na puso ng NTF-ELCAC.

Nang dahil anila sa programa, marami ang nabuksan na oportunidad na matagal nang dapat na tinatamasa ng nga katutubo ngunit napigilan lamang ito dahil sa pagpasok ng mga rebelde sa mga katutubong lupain na siyang nagiging dahilan ng mabagal na proseso ng pag-unlad sa kanilang komunidad.

Ilan sa mga kakulangan ng mga katutubo ang suplay ng tubig, komunikasyon, at marami pang iba.

Pero hindi na ngayon dahil sa pagpasok ng programa ng pamahalaan malaki ang naitulong nito para sa mga benepisyaryo.

‘’Masaya at nakakaproud sa sarili. Ingatan at alagaan ang mga bahay na ibinigay sa kanila,’’ayon kay Plt. Hapinat.

Ang nasabing programa ay isa lamang ito sa mga katiwang ng pamahalaan gaya ng barangay development program upang maihatid ang mga reporma ng gobyerno para sa mga residente biktima ng kaguluhan lalo na ng CPP-NPA-NDF.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay PBGen. Filmore Escobal, ng Police Regional Office 11, ibinahagi nito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga kawani ng pamahalaan tungo sa mas maunlad na komunidad lalo na sa mga liblib na lugar sa bansa na hindi naabot ng reporma mula sa gobyerno.

Aniya, hindi giyera ang sagot sa kahirapan at kapayapaan.

‘’Development ito kaya sino yong ayaw ng development ito lang yong… may ibang gusto mangyari eh..at mayroong gustong mag shape ng mayroong giyera eh..wala nga iyon eh..natuto na iyong tao namulat na sila,’’ayon kay Escobal.

Giit pa ng heneral, tanging ang CPP-NPA-NDF lang ang nagdidiin ng kaguluhan upang makamit ang kapayapaan at mga nais nilang mangyari sa lipunan.

Batay sa datos ng RPSB, umabot na sa dalawang milyong residente ang nakikinabang sa mga programa nito sa mga komunidad mula sa mga imprastruktura, pabahay, eskwelahan at maliliit na hanapbuhay na makatutulong sa pagsisimula ng bagong buhay ng mga katutubo at iba pang benepisyaryo.

Sa kabilang banda, sa patuloy na pakikilaban ng pamahalaan sa insurhensiya, nagpasalamat ang PNP Region 11 kay Pastor C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ at bilang Chairman ng Sonshine Media Network International dahil sa pagkakaroon ng programa na sumasang-ayon sa laban ng pamahalaan kontra CPP-NPA-NDF.

‘’I have this rare opportunity hindi pa po ako noon RD, community relation officer pa ako ng PRO 5 nagkaroon ako ng rare opportunity na ma meet si Pastor Quiboloy noong 2016 pa. Nagkaroon kami ng conversation, doon ko lang nakita sa kanya yong supporta niya sa gobyerno. Kaya ganito yong binibigay sa atin ng SMNI. Ito nga yong opportunity na binigay ni Pastor Quiboloy kaya Pastor maraming salamat po sa team work,’’ayon kay PBGen. Escobal.

Sinang-ayunan din naman ito ng tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Usec. Joel Egco kasabay ng pagkondena sa ibang media outlet na hindi binibigyan ng pansin ang programang ito ng pamahalaan.

Sa huli, naniniwala ang PNP na nabasag na ng pamahalaan ang istilo ng nga makakaliwang grupo.

Ibig sabihin aniya, wala nang pwersa ang mga ito para ipagpatuloy ang paghahari harian sa mga kanayunan sa bansa.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *