SMNI
Kingdom News

SMNI, pinarangalan sa ika-27 anibersaryo ng PNP Police Community Relations

KINILALA ng Philippine National Police Community Affairs and Development Group ang Sonshine Media Network International o SMNI dahil naging daan ito sa pagpapaabot ng makabuluhang impormasyon at balita sa publiko lalo na ang mga programa ng PNP Police Community Relations.

Ang programang “Aksyon Line” sa DZAR Sonshine Radio ang kabalikat ng PNP PCR sa pagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa publiko.

Personal na tinanggap ni Sonshine Media Network International President Dr. Marlon Rosete ang Plaque of Recognition tanda ng taus-pusong pasasalamat ng PNP sa network.

Personal na tinanggap ni Sonshine Media Network International President Dr. Marlon Rosete ang Plaque of Recognition tanda ng taus-pusong pasasalamat ng PNP sa network.

Sina Senators Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” dela Rosa ang mga panauhing pandangal sa awarding ceremony at sila rin ang personal na nag-abot ng award sa pangulo ng SMNI.

Kahanay ng SMNI ang mga private companies at individuals na naging katuwang rin ng PNP.

Ang SMNI ay nakahanay sa mithiin ng chairman nito na si Rev. FDr. Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagpapalaganap ng magandang balita sa mga Pilipino kaya naging daan ito para mapakita at marinig ang mga magagandang hangarin ng kapulisan sa ating mga mamamayan.

Samantala, inilunsad din ngayong araw ang PNP PCR Express Connect.

Kasabay nito, ay nagkaroon din ng Pledge of Commitment ang ilang personalidad at kabataan para sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT.

MJ MONDEJAR

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *