SMNI, kinilala bilang ‘Most Truthful and Honest Broadcasting Network’

SMNI, kinilala bilang ‘Most Truthful and Honest Broadcasting Network’

MULING kinilala ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pinamumunuan ng kilalang mangangaral, pilantropo, environmentalist, at edukador na si Reverend Doctor Pastor Apollo Quiboloy bilang Most Truthful and Honest Broadcasting Network sa kauna-unahang ASEAN Excellence Achievers Award 2021.

Ang ASEAN Excellence Achievers Award ay isang award-giving body para sa natatanging korporasyon at personalidad na nanagumpay sa larangan ng media and entertainment industry, entrepreneurship, at health and wellness.

Una nang sinabi ni Pastor Apollo na nakalaan para sa nation building ang SMNI at sa mga programang kaagapay ng gobyerno bukod sa mga programang spiritual na kaliwanagan mula mismo sa butihing Pastor.

'Most Truthful and Honest Broadcasting Network'

‘Laban Kasama ang Bayan’, binigyan ng parangal sa ASEAN Excellence Achievers Award

Kinilala din ng prestihiyosong award-giving body ang programang ‘Laban Kasama ang Bayan’ bilang ‘Best TV Show in Fostering Peace and Sustainable Development’.

Nauna nang sinabi ni Pastor Apollo na kaisa ang SMNI sa laban ng gobyerno kontra insurhensiya.

Kaya naman naglaan ng tatlong oras ang SMNI Chairman para sa programang Laban Kasama Ang Bayan na layong magbigay ng kaliwanagan sa publiko tungkol sa mga propaganda ng CPP-NPA-NDF.

Malaki naman ang pasasalamat ni NTF-ELCAC Spokesperson Usec. Lorraine Badoy, dating Kadre na si Ka-Eric Celis at ng lahat ng mga bumubuo ng SMNI kay Pastor Apollo C. Quiboloy na siyang naging inspirasyon ng lahat sa paghahatid ng balitang totoo para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas.

Nito lamang nakaraang buwan, tinanggap rin ng SMNI ang pagkilala ng World Class Philippine Council bilang Most Innovative Multimedia Network sa bansa at bilang Best Trusted News Broadcasting Company naman sa ginanap na Golden Globe Annual Awards 2021.

Nauna nang ipinangako ni Pastor Apollo na magiging alternatibong media outlet ang SMNI, katuwang ng tapat, at makatotohanang pamamahayag partikular na sa pag-angat ng kamalayan ng mga Pilipino sa pagbibigay ng malasakit at pagmamahal sa bansa

Tunay ngang malayo na ang nararating ng SMNI sa larangan ng pamamahayag at patuloy pa itong lumalago dahil sa matapat at hindi bias na pagbabalita at higit sa lahat ang lahat ng ito ay dahil sa walang sawang pagsuporta at pagggabay ng ating SMNI Chairman, Pastor Apollo C. Quiboloy.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *