SMNI, ginawaran ng pagkilala ng NCRPO sa pagdiriwang ng Police Community Relations Month

SMNI, ginawaran ng pagkilala ng NCRPO sa pagdiriwang ng Police Community Relations Month

KINILALA ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kontribusyon ng SMNI News Channel sa pamamahayag at paghahatid ng totoong balita kaugnay sa mga programa at mga naisakatuparan ng nasabing ahensiya.

Isa ang SMNI News Channel sa mga ginawaran ng pagkilala ng NCRPO sa kontribusyon nito sa mga programa at proyekto ng NCRPO sa ibat-ibang komunidad sa ilalim ng Police Community Relations Program nito.

Opisyal na kinatawan ang pagtanggap ng pagkilala ni Dr. Marlon Rosete, President/CEO ng SMNI News.

Kasabay nito ang pagpapasalamat ng SMNI sa NCRPO at sa mismong chairman ng SMNI News Channel dahil sa katuparan ng mandato nito na maging tulay sa paghahatid ng tamang balita at impormasyon

Personal na ipinagkaloob ang plaka nina DENR Usec. Edilberto Leonardo, at NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr.

Nakiisa rin  ang SMNI sa seremonya ng tree planting activity bilang suporta pa rin sa mga environmental  advocacies ng NCRPO

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng Police Community Relations Month, inilunsad din ngayong araw ang bagong kasangga sa kalikasan ng NCRPO, ang kalikasan advocacy group na Green Warriors.

Ilan sa mga tututukan ng grupo ay ang massive tree planting, clean-up drives, coastal developments para sa mas magandang kapaligiran ng mga mamamayan.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen. Vicente Danao, sinasalamin ang maayos na kapaligiran sa maayos na pamamahala ng  mga kapulisan laban sa karahasan at kaguluhan.

Personal ding hiningi ng DENR ang tulong ng PNP sa pagpapatupad ng pagpapahalaga sa kalikasan sa iba’t ibang komunidad hindi lang sa NCR kundi sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *