Skyway Stage 3, bubuksan na sa mga motorista bukas, Enero 15

Skyway Stage 3, bubuksan na sa mga motorista bukas, Enero 15

GANAP nang bubuksan para sa mga motorista ang lahat ng pitong lanes ng 18-kilometer Skyway Stage 3 Elevated Expressway na nagdurugtong sa South Luzon at North Luzon Expressways bukas araw ng Biyernes.

Sa inilabas na statement ng San Miguel Corp. (SMC), magbubukas ang buong expressway sa lahat ng motorista simula alas-5:00 ng umaga ng Enero 15.

Una rito, isinara ang naturang Skyway nitong Enero 13 hanggang 14 para sa kabuuang inspeksiyon, set-up at paghahanda sa pagbubukas nito.

“We ask for the kind understanding of motorists, as we prepare to officially open Skyway 3,” ayon sa San Miguel Corp.

Mababatid na ang SMC ay kompanya ng CITRA Central Expressway Corporation (CCEC) na nagsasagawa ng P44.86-billion Skyway Stage 3 project.

Ito ay konstruksiyon ng 18.83-km elevated expressway mula Buendia, Makati City hanggang NLEX sa Balintawak, Quezon City.

Kapag bukas na ang Skyway 3, magigng tatlumpung minuto na lamang ang travel time mula SLEx hanggang NLEx at vice versa.

“Following the opening, motorists will be able to experience the benefits of all seven lanes and all the features of this game-changing expressway that will reduce travel time from SLEX to NLEX and vice-versa, to only 30 minutes,” ayon sa SMC.

Mababawasan naman ang travel time ng mga motorista na bumibiyahe ng Buendia patungong Balintawak ng 15 hanggang 20 minuto.

Inaasahan din na ma-divert ang 50,000 na mga sasakyan kada araw sa Skyway 3 mula EDSA.

Mananatili namang libre ang toll sa Skyway 3 hanggang Enero 29.

“Skyway 3 will remain toll-free until January 29, and we look forward to welcoming our motorists, and letting them experience seamless travel,” ayon sa SMC.

Kung maalala, noong Disyembre 29, nagsimula ang partial opening ng Skyway Stage 3 at libre nagamit ng mga motorista.

Kaugnay nito pinasalamatan ni San Miguel Corp. (SMC) Chief Operating Officer Ramon Ang, ang administrasyong Duterte sa lahat ng suporta nito para maisakatuparan ang proyekto at ang pagsusumikap ng kanilang buong team.

Samantala, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang inagurasyon sa Metro Manila Skyway Stage 3 project.

Makatutulong din ang naturang Skyway 3 project para ma-decongest ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA at iba pang parte ng National Capital Region (NCR).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *