Sitwasyon sa Negros Oriental
Regional

Sitwasyon sa Negros Oriental, bumabalik na sa normal —PNP

BUMABALIK na sa normal ang sitwasyon sa Negros Oriental matapos ang mahigit isang linggong mga pagpatay.

Kasabay nito, tiniyak ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac na kontrolado ang sitwasyon sa probinsya at patuloy na nagbibigay seguridad ang Police Regional Office (PRO) 7.

Nasampahan na rin ng paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Law on Explosives ang dalawang suspek sa pagpatay sa apat na pulis sa Ayungon.

Kiinilalang ito na sina Jojo Torres Ogatis at Edmar Acibo Amaro na pawang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Una nang nag-deploy ang PNP ng SAF commandos para sa makatulong sa security operations sa probinsya katuwang ang militar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *