sa Itbayat
Regional

Sitwasyon sa Itbayat, Batanes, unti-unti nang bumabalik sa normal

UNTI-unti nang bumabangon ang kabuhayan ng mga Ivatan matapos ang naranasang magkakasunod na lindol noong nakaraang linggo sa Itbayat, Batanes.

Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), mula sa 805 pamilya na lumipat sa evacuation center ay nasa 266 na lamang ang naiwan sa Tent Plaza.

Ayon kay PDRRMC head Roldan Esdicul, karamihan aniya sa mga naiwan sa evacuation center ay totally damaged ang bahay kaya wala nang mababalikan.

Sa ngayon, nakatutok ang PDRRMC sa pagtatayo ng pansamantalang tirahan para sa nasabing mga pamilya.

Pansamantala namang naantala ang pagdating ng mga relief goods sa lugar dahil sa nararanasang sama ng panahon kung saan hindi makatawid ang mga bangka.

Samantala, inihayag din ni Esdicul na magbabalik na sa eskwela ngayong araw ng Lunes ang mga kabataan mag-aaral ng Itbayat.

Sinabi ni Esdicul na magtatayo sila ng tent bilang temporary classroom dahil sa mga nasirang paaralan ng nagdaang lindol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *