dengue sa bansa
Health

Sitwasyon ng dengue sa bansa, pinag-aaralan

PINAG-aaralan na ngayon ng Department of Health ang posibleng pulong sa pagitan ng Metro Manila Mayors dahil sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

Maliban sa Western Visayas na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng dengue sa buong bansa ,  isa din ang National Capital Region sa mga binabantayan ng kagawaran kung saan ang mga Lungsod ng Quezon at malabon ang may pinakamataas na admission case sa Metro Manila.

Habang ang Taguig at Muntinlupa ay nasa kategorya naman ng above epidemic threshold at above alert threshold kung saan nakapagtala ang Taguig ng 100% increase of dengue cases mula 2018 hanggang 2019.

Patuloy ang monitoring ng DOH sa mga kaso kasabay ng paalala sa palagiang paglilinis sa mga kabahayan at bakuran na posibleng pamahayan ng mga lamok.

Ayon kay Health Secreatary Francisco Duque III, hindi na dapat na patagalin pa ang simtomas ng dengue at agad itong ipatingin sa doctor.

Matataandaang August 6 nang ideklara ng DOH ang National Dengue Epidemic ang bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *