Duterte, ipinagpaliban ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa

Duterte, ipinagpaliban ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa

TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na ibalik na ang face to face classes sa bansa.

Ito ang inilahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw sa Laging Handa public briefing.

Aniya saad ni Pangulong Duterte habang hindi pa nakapagsimula ang vaccination program sa bansa hindi muna ibabalik ang dating set-up ng pag-aaral.

Ito’y dahil ayaw ng presidente na malagay sa panganib o alanganin ang buhay ng mga guro at mag-aaral.

Kung masisimulan naman ang pagbabakuna sa bansa, maaaring sa buwan ng Agosto ay ibabalik na ang face to face classes lalo na sa mga lugar na may mababang bilang ng kaso ng COVID-19.

Inilahad din ni Roque ngayong araw na aprubado na ng Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization ng Sinovac.

Aniya aasahang tatlong araw mula ngayon ay darating na ang mga bakuna mula China sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *