Sinovac, Pfizer, top vaccine brand na gusto ng mga Pilipino

Sinovac, Pfizer, top vaccine brand na gusto ng mga Pilipino

MAS pabor ng mga Pilipino adult ang mga vaccine brand ng Sinovac at Pfizer ayon sa isang survey.

Sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan, lumalabas na sa mga bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration, 39% sa mga Filipino adult ang mas gusto ang COVID-19 vaccines ng China-made na Sinovac.

Nasa 32% naman ang pinipili ang mga bakuna Pfizer BioNTech habang 22% ang may gusto ng mga bakuna ng AstraZeneca at 10% sa mga bakuna ng Johnson & Johnson.

Iba pang vaccine brand na gusto ng mga Pilipino:

7% – Moderna

3% – CureVac

3% – Sinopharm

3% – NovaVax

3% – Sanofi-GSK

2% – Gamaleya Research Institute

Nasa 2%  naman ng mga Filipino adult ang nagpahiwatig na lahat ng vaccine brand ay ayos lang sa kanila, habang 19% ang hindi nagbigay ng kanilang ng sagot.

Sinovac naman ang most preferred na brand ng bakuna sa Mindanao kung saan 44% ng mga respondents sa naturang lugar ang nagsabing mas pinipili nila ito.

Sa Metro Manila, equally preferred ang mga bakuna ng Pfizer at Sinovac kung saan pareho itong nakakuha ng 37%. A

Ang dalawang bakuna rin ang gusto ng mga respondents mula sa balance Luzon kung saan 36% ang nagsabing mas pipiliin nila ang Sinovac at 33% ang may gusto sa Pfizer.

(BASAHIN: Pangulong Duterte, umaapela sa publiko na huwag mamili ng COVID-19 vaccines)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *