Sinibak sa puwesto ang umano’y pulis na nagparusa sa curfew violator

Sinibak sa puwesto ang umano’y pulis na nagparusa sa curfew violator

SINIBAK na sa puwesto si General Trias Police Chief Lt. Col Marlo Solero sa pwesto nito matapos na mapag-alaman na mayroon talagang naganap na physical punishment para sa mga residenteng lumabag sa curfew rules sa nasasakupan nito.

Ito ay matapos na mamatay si Darren Peñaredondo na umano’y lumabag sa curfew rules na ipinatutupad ng enhanced community quarantine matapos itong pwersahang pinag- ‘pumping’ exercise ng 3oo beses.

Gayunman, itinanggi naman ni Solero ang akusasyong ito at sinabing walang parusang ipinataw sa mga violators.

Taliwas naman ito sa dalawang violators na nagpasa ng sariling reklamo sa Philippine National Police at sinabing mayroong nangyaring parusa sa mga curfew violators.

Sa ngayon ay hinahawakan na ng Cavite Police Provincial Office ang administrative at criminal investigations laban kay Solero.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *