Singil sa tubig ng Manila Water at Maynilad, bababa simula sa Oktubre 1

Singil sa tubig ng Manila Water at Maynilad, bababa simula sa Oktubre 1

BABABA ang singil sa tubig ng Manila Water at Maynilad simula sa susunod na buwan.

Ito ay dahil sa mas mababang fourth quarter foreign currency differential adjustment na konektado sa peso dollar exchange.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, simula Oktubre 1 ay may bawas-singil na P0.15 kada cubic meter ang Manila Water habang isang P0.01 kada cubic meter naman ang bawas sa Maynilad.

Sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water, mababawasan ang inyong bill ng P0.78 kada buwan kung kayo ay kumukonsumo ng 10 cubic meters pababa at hindi kabilang sa lifeline customers.

Nasa P1.73 naman ang mababawas sa mga kumukonsumo ng 20 cubic meters kada buwan at P3.52 para sa mga komokunsumo ng 30 cubic meters.

Sa mga sakop ng Maynilad, may bawas na P0.06 sa singil kada buwan para sa mga komokunsumo ng 10 cubic meters, P0.24 kada buwan para sa kumukonsumo ng 20 cubic meters at P0.50 kada buwan para naman sa mga komokunsumo ng 30 cubic meters.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *