MAGKAKAROON na naman ng taas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Abril.
Sa abiso ng Meralco, tataas ng P0.54 kada kilowatt hour ang kanilang singil sa darating na April billing.
Ang taas-singil ay katumbas ng P107 na dagdag bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; P161 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P215 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P268 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.
Mga paghahanda ng Meralco para sa May 9 elections, nakalatag na
Samantala, nakalatag na ang mga paghahanda ng Meralco para sa nalalapit na national and local elections sa Mayo 9.
Ito ang inihayag ni Meralco Chief Commercial Officer Ferdie Geluz.
Ayon kay Geluz, magpatutupad sila ng ‘round the clock operations’ hanggang sa proklamasyon ng mga bagong halal na opisyal.
Sinabi ni Geluz na 2,700 na kanilang network personnel ang naka stand-by para sa duty kasama ang 480 network crew at 400 business center employees.
Nakumpleto na rin aniya nila ang inspeksyon sa 2,905 sites kabilang ang mahigit 2,700 polling precincts at 119 canvassing centers at iba pang vital election sites.
Kumpiyansa naman ang Meralco na sapat ang supply ng kuryente sa halalan at walang mangyayaring brownout.
BASAHIN: Sapat na suplay ng kuryente ngayong dry season, tiniyak ng Meralco