kuryente ng Meralco
Business

Singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Oktubre, bahagyang tataas

BAHAGYANG tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Oktubre.

Sa abiso ng Meralco, tataas ng kabuuang 0.0448 sentimos kada kilowatt hour ang kanilang singil.

Katumbas ito ng P8.96 na dadag bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; P13.44 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; 17.92 pesos sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at 22.40 pesos sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.

Nabatid na kahit bumaba ang halaga ng kuryente sa spot market at suppliers, lumiit naman ang halaga ng refund kumpara noong nakaraang buwan kaya tumaas din ng konti ang transmission charge.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *