pinaaaresto
Showbiz

Singer na si Yeng Constantino, pinaaaresto umano ng Surigao Del Norte RTC

NAGLABAS na ng warrant of arrest ang Dapa Surigao Del Norte Regional Trial Court (RTC) laban kay pop rock royalty Yeng Constantino.

Ito ay kaugnay sa kinahaharap na cybercrime case ng singer na isinampa ni Dr. Esterlina Tan.

Kahapon nang ipost ng isang Chrismar Mocorro sa Facebook ang umano’y kopya ng naturang warrant of arrest na may petsang December 12 na agad ding binura.

Giit naman ng abogado ng singer na si Atty. Joji Alonso, hindi alam ni Yeng na mayroon pa lang isinampang reklamo laban sa kaniya si Dr. Tan.

Nalaman na lamang aniya ito ng singer nang makita ang nasabing Facebook post.

Maglalabas na lamang sila ng statement sakaling makakuha na ang kanilang panig ng kongkretong impormasyon hinggil sa kaso.

Magugunitang nag-ugat ang sigalot ng dalawa sa inilabas na kontrobersyal na Youtube vlog ni Yeng kung saan inireklamo nito ang pagiging umano unprofessional ng Doktor sa pagsuri sa kaniyang asawa na si Yan Asuncion.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *