Singer-actor Ronnie Liang, bahagi na ng PNP group

Singer-actor Ronnie Liang, bahagi na ng PNP group

IBINAHAGI kamakailan ng singer-actor na si Ronnie Liang sa kanyang social media post ang kanyang pagsali sa Integrity Monitoring and Enforcement Group ng Philippine National Police sa Advisory Group for Police Transformation and Development (PNP IMEG-AGPTD).

Nagpahayag naman si Ronnie Liang ng kanyang pasasalamat sa PNP-IMEG sa pag-imbita sa kanya na maging bahagi ng advisory council at magrepresenta sa youth and entertainment sector.

“Took my oath as a member of the Integrity Monitoring & Enforcement Group’s Advisory Council (IMEG). It’s a great honor & privilege to be a member of this council. To defend the integrity of our law enforcement agency,to prevent & to eradicate Rogue Police Officers. #ParaSaBayan — at Camp Crame Q.C.”

Aniya, dito na masusubok ang lahat ng kanyang natutunan mula sa kanyang Master’s Degree Management, Major in National Security Administration.

Sinabi ni Ronnie na ang kanyang hilig sa public service ang pangunahing dahilan kaya siya ay patuloy na nagboboluntaryo sa mga ahensya ng gobyerno.

Ang IMEG-AGPTD ay binubuo ng mga indibidwal na may mataas na kakayahan na pinili para sa kanilang integridad, katapatan, at pamumuno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *