Sinas, dapat ma-promote; Danao, maaring ipalit bilang NCRPO Chief —PNP Chief Cascolan

Sinas, dapat ma-promote; Danao, maaring ipalit bilang NCRPO Chief —PNP Chief Cascolan

KARAPAT-dapat ma-promote si National Capital Region Police Office (NCRPO)  Chief Police Major General Debold Sinas.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan.

Ani Cascolan, marami na rin itong mga nagawang mabuti sa NCRPO, at maaari itong ilagay bilang directorial staff o sa iba pang posisyon.

Ayon naman kay Cascolan, maaring si Calabarzon Police Chief Police Brigadier General Vicente Danao ang ipapalit kay NCRPO Chief Sinas.

Aniya, kinokonsidera rin ang paglalagay nito bilang pinuno ng PNP Criminal Investigation and Detection Group pero mas mainam aniyang ilagay ito sa NCRPO.

Surprise lockdown sa PNP camps, ipinag-utos

Samantala, ipinag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police sa local police commanders ang surprise lockdown sa kanilang mga kampo.

Ang nasabing hakbang ay para magsagawa umano ng inspeksyon ng mga unregistered, recovered at impounded kabilang na ang carnapped na sasakyan na nasa kustodiya ng mga pulis ayon kay PNP chief Police General Camilo Pancratius Cascolan.

Ang PNP Highway Patrol Group at PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group naman ang naatasang pangunahan ang inventory ng lahat ng mga sasakyan.

Isang hakbang na rin umano ito para mai-check kung sino sa mga pulis ang gumagamit ng mga nasabing sasakyan gayong ipinagbabawal ito sa kanilang hanay.

Ang sinumang mahuling gumagamit nito ayon kay Cascolan ay maaaring mapapanagot sa kasong infidelity in the custody of evidence.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *