Simona Halep
Sports

Simona Halep, natuldukan na ang kaniyang kampanya sa French Open

NATULDUKAN na ang kampanya ng defending champion na si Simona Halep sa Roland-Garros Tournament kasunod nang pagkatalo nito sa quarterfinals.

Di pinaporma ng 17-year-old American na si Amanda Anisimova ang third seed player na tinapos ang match nila sa score na 6-2, 6-4.

Dahil dito nabigo ang Romanian na si Halep para mapanatili ang kaniyang French Open Title.

Samantala, makokonsidera namang pinakabatang manlalaro ang unseeded na si Anisimova na mapapabilang sa huling walong spot sa nasabing grand slam competition.

Sunod naman na makakaharap ng batang player sa next round ang eighth seed na si Ashleigh Barty.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *