‘Sibling rivalry’ game nina Kiefer at Thirdy Ravena sa Japan, inaabangan na ngayong weekend

‘Sibling rivalry’ game nina Kiefer at Thirdy Ravena sa Japan, inaabangan na ngayong weekend

INAABANGAN na ng mga Filipino fans ang sibling rivalry ng magkapatid na sina Keifer at Thirdy Ravena bilang magkalaban sa larong B. league ngayong weekend.

Ito’y matapos ianunsyo ng Shiga na libreng mapapanood ng mga pinoy ang opening game ng B. league kung saan makakalaban ni Kiefer ng Shiga Lakestars ang kapatid na si Thirdy ng San-en Neo Phoenix.

“All Filipinos are invited for free on the opening game,” ayon sa Shiga Prefecture ng Japan.

Pinangalanan ang naturang game na sibling rivalry dahil sa magkapatid.

Magho-host ang Shiga ng San-En sa Oktubre 2 at 3 sa Ukaruchan Arena ng Japan.

Ito ang ikalawang season ni Thirdy sa San-En habang unang season naman ito ni Keifer sa Shiga matapos siyang i-release ng NLEX Road Warriors at ng PBA noong weekend.

Nagpasalamat naman si Kiefer sa mga pilipino sa mga suporta sa kanilang dalawang magkapatid na manlalaro at inimbitahan ang mga kababayan na panoorin ang kanilang laban ngayong weekend at ang buong season ng B. league.

“Inimbitahan ko po kayong panoorin ang laban naming magkapatid ni Thirdy, ang Shiga Lakestars kontra ang San-En NeoPhoenix. Malapit na malapit na po, at maraming salamat po sa pag-suporta sa aming dalawa,”ayon kay Kiefer.

“Sana po magpatuloy ang suporta niyo all throughout this season,”dagdag nito.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *