Show Cause Order
Business National

Show Cause Order laban sa 2 kumpanya ng bus na naaksidente, ilalabas

NAKATAKDANG magpalabas ng Show Cause Order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa dalawang kumpanya na nasangkot road accident kahapon.

Kabilang dito ang Philippine Rabbit kung saan muntik ng tuluyang mahulog ang isang bus unit nito sa isang tulay sa North Luzon Expressway bago mag-San Fernando, Pampanga Exit.

Nais alamin ng LTFRB ang paliwanag ng kumpanya kung bakit hindi sila dapat patawan ng suspension o pagkansela sa kanilang prangkisa.

Pagpapaliwanagin din ng LTFRB ang kumpanyang AC Trans kungsaan isang bus unit nito ang nasunog sa bahagi ng EDSA-South Bound bago sumapit ng Balintawak Clover Leaf.

Wala namang nasawi sa dalawang aksidente na kinasasangkutan ng pampublikong bus habang patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng aksidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *