Regional

Show-cause order, inilabas laban sa isang operator ng van

INISYUHAN na ng show-cause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-7 ang operator ng isang pampasaherong van.

Sangkot ang naturang pamapasaherong van sa malagim na aksidente.

Nangyari ang insidente sa Barangay Mayabon, Zamboanguita, Negros Oriental noong Biyernes na ikinasawi ng anim na estudyante at ikinasugat ng siyam na iba pa.

Ayon kay LTFRB-7 Assistant Regional Director Reynaldo Elnar, sinuspende na nila ang prangkisa ng V-Hire sa loob ng tatlumpung araw.

Sa imbestigasyon, nag-swerve ang van na minamaneho ni JP Sarad sa kabilang linya.

Matapos nitong dumaan sa kurbang bahagi ng highway dahilan para bumangga sa kasalubong na truck.

Sinabi ni Elnar na nakita sa kanilang imbestigasyon na pudpod na ang gulong ng van.

Ipatatawag rin aniya nila ang operator nito at itatakda nila ang hearing sa susunod na mga araw.

Ayon naman kay LTFRB-7 Regional Director Eduardo Montealto Jr., pasusumitehin nila ng certificate mula sa PDEA ang operator ng van.

Bilang ebidensya na hindi nagdodroga ang drayber nito.

Sa ngayon ay nakakulong sa Zamboanguita Police Station si Sarad.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *