Shortage sa karneng baboy sa darating na holiday season, posible dahil sa ASF

Shortage sa karneng baboy sa darating na holiday season, posible dahil sa ASF

MAY posibilidad na magkaroon ng shortage sa suplay ng karneng baboy sa darating na holiday season.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ito ay dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Paliwanag ng DA, maraming piggeries ang hindi nagsagawa ng re-stocking dahil na rin sa takot na mamatayan lamang ng alagang baboy sa sakit.

Kaya naman asahan na ang shortage sa suplay ng karneng baboy maging pork meat products hanggang sa huling bahagi ng 2020.

Sa ngayon, umabot na sa 262 na probinsiya ang apektado ng ASF.

Patuloy naman ang mga isinasagawang hakbang ng ahensiya para gawing agresibo ang repopulation ng mga alagang baboy.

Samantala, nagkaroon ng bagong outbreak ng African Swine Fever sa anim na lalawigan sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na mayroon pa rin mga bagong ASF outbreaks sa Albay, Laguna, Quirino, Quezon, Batangas at Cavite.

Ayon kay Dar, inatasan na ang mga local government unit na i-monitor ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng ASF.

Nagbibigay naman aniya ang DA ng 5,000 pesos na cash aid sa mga hog raisers na apektado ng ASF outbreak.

Dahil sa outbreaak, nanawagan si Dar sa mga hog raiser na sundin ang tamang quarantine protocols kung paano ma-manage ang ASF.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *